unang sayaw (acoustic)

Nagulat ang bawat titig

Akalain na di ka ganyan

O bihira lang ang nakikita kong ito

Dagliang pansin

Marunong ka nang magdala

Pinahanga mo ang sanlibutan kaya ngayon

hindi na kita makakalimutan

Ang gabing nagpabago ng anyo mo'y lumiliwanag sa ningning

ng iyong kagitnaa'y tumitindi na ang bilisang paglapit...

Sino man?

Ilan man sila.. isa dalawa...tatlumpung pumuporma sa iyo

inaalok ang palad na nanginginig sa kabang hindi masundan sa sahig.

Hayan. Naiilang at nalilito.

Sa Unang Sayaw..

Hinay ng tindig at galaw.

Sa pagpihit ko'y laging ikaw

ang sinusulyapang isayaw ng magkaalaman na..

Marunong ka nang magdala

Pinahanga mo ang sanlibutan kaya ngayon

hindi na kita makakalimutan

Ang gabing nagpabago ng anyo mo'y lumiliwanag sa ningning

ng iyong kagitnaa'y tumitindi na ang bilisang paglapit...

Sino man?

Ilan man sila.. isa dalawa...tatlumpung pumuporma sa iyo

inaalok ang palad na nangnginig sa kabang hindi masundan sa sahig.

Advertisement