GEORGEPUNKISTA

Emo / Experimental

 

A shortstory by Lean George Barrios
base on my life
Intitled Aalis lang ako, magkikita ulit tayo next time


Ni: Lean George P. Barrios



Mabilis na tumatakbo si Albert papunta sa terminal ng bus sa Ayala para maabutan ang pag alis ng bus ngunit nang siya ay malapit na ay may dalawang tao na sumakay sa bus at biglaan siyang pumasok nag babakasakaling may bakante pang upuan ngunit sabi ng driver "pogi next trip kana lang puno na" at pumila nalang siya. Isang oras na din ang lumipas at wala paring dumadating na bus sa pag kainip sa pila ay naisipan niya na bumili ng maiinom sa malapit na foodstore nang siya ay nasa freezer at kukuha na ng maiinom ay may nakita siyang babae na nag babayad sa Cashier napatigil itong si Albert at napatitig sa babae tila kilala niya ang babae kaso ito ay umalis na at nag lakad palayo at hind na niya nasulyapan ang magandang babae.



Ilang minuto lang pagkatapos niya bumili ay dumating na din ang bus na mag hahatid sa kanya sa Cavite



Nakaupo na si Albert malapit sa bintana at nakikinig ng music sa kanyang mp3, kung ano-anong mga bagay ang pumapasok sa utak niya habang nakaupo at nag hihitay bago makaalis ang bus. Sa kanyang pag dungaw sa bintana ay nakita niya ang babaeng tila kilala niya mula sa foodstore ito ay paakyat ng escalator papuntang Greenbelt at pinatay ang music at napa-isip ng malalim kung saan niya ito nakilala.



Paalis na ang bus mula sa terminal at si Albert ay naiinis sa ingay ng matanda sa kanyang likuran dahil reklamo ng reklamo sa operator ng bus na mahina daw ang aircon sa upuan ng matanda at pinaandar nalang ni Albert ang mp3 at nag soundtrip upang hindi marinig ang nakakainis na boses ng matanda.

Oras na ng pag-alis ng bus at sinandal na ni Albert ang kanyang ulo sa bintana dahil mahilig siyang mag masid sa paligid ayan ang isa sa libangan niya sa bus naaaliw siya sa pag tingin sa mga tao sa labas ng bus dahil doon niya nakikita ang sari-saring klase ng tao. May mayaman, simple, mahirap, nanlilimos, vendors, taong grasa, at kapwa niya estudyante. halos lahat na yata ng Estado ng buhay ay makikita mo na sa kalasada.



Makalipas ang ilang oras na pag mamasid sa kalsada ay napansin na niya na malapit na ang bus sa lugar kung saan siya baba pero dahil sa hindi na mabago na traffic sa may Aguinaldo highway tuwing oras ng uwiaan siya ay nauhaw buti nalang sa traffic ay may pumasok na vendor sa bus at nakabili siya ng maiinom at mani. Unti-unting umaandar ang bus hanggang natanaw na niya ang SMcity bacoor at bumaba na siya medyo malapit narin pero mag lalakad kapa ng konte bago makarating sa terminal ng SM, sa pag lalakad ay nakaabot din siya sa last ride ng mini cab na dadaan sa villege nila.



Sa haba ng byahe ay naka-uwi din si Albert sa bahay at nag pahinga, naidlip siya sa kanyang higaan at oras na ng dinner ay ginising siya ng kanyang mommy upang kumaiin, hanbang kumakain ay kinamusta siya ng kanyang mommy,



Oh anak kamusta naman ang pag-aaral mo at ung condo mo nga pla malinis ba un?



Mom ayus naman mga grades ko diba kapag hindi ako nakakuwi dito sa cavite pinapa LBC ko naman! At ung condo ko naman mabuti malinis yun mom ako naman gumagawa ng mga gawain dun and I do it so well promise yan.



Sa bagay may punto ka doon anak good! Mukang natututo kana maging independent simula ng tumira ka sa makati, hindi tulad dito puro ka nalang pasarap sa buhay palibhasa may katulong tayo eh.



Sino pa ba aasahan ko sa condo na iyon kung hindi sarili ko lang.



Natapos ang hapunan at lumabas si Albert para lumanghap ng sariwang hangin at mabisita narin ang mga kaibigan niya sa lugar nila, habang nag lalakad papunta sa tambayan nila malapit sa park ay napatingin siya sa bahay ng kanyang dating kasintahan, nang nagkitakita na sila ng kanyang mga kaibigan ay marami silang napag-usapan pero ng sandaling natigilan si Albert at napatingin sa bahay ng dating kasintahan ay hindi naiwasan mag tanong ni Albert sa mga kaibigan kung kamusta na ang dating kasintahan.



Kevin kamusta na nga pala si Cynthia?



Ilang buwan narin ang nakalipas ng lumipat sila ng tirahan hindi ko alam kung saan

alam mo naman na hindi kami close ng EX mo, hindi ko pa nga makikilala yun kung hindi mo pa samin pinakilala.



Hahaha oo nag pala noh pasensya na Kev nakalimutan ko hindi nga pala kayo masyado nag uusap mahiyain din kasi yun.



Inabot na ng 12am sa park ang magkakaibigan at dinatnan na din sila ng antok at nag si uwian na din sa kanikanilang mga bahay.



Lingo, 9am si Albert ay ihahatid na ng kanyang mga magulang sa makati, pero naispan ng kanyang mommy na mag simba muna sa Greenbelt bago siya ibaba sa condo, maraming tao iba-ibang klase at iba-ibang mukha pero ng napatingin siya sa kabilang sulok ng simbahan ay nangibabaw ang mukha ng isang maputi at magandang dalaga na may mapulang labi siya ay napatitig ng matagal at na realize niya na ayun din ang babae sa foodstore na nakita niya malapit terminal ng bus na sinasakyan niya tuwing uuwi ng cavite. Nang matapos ang misa sinabi niya sa kanyang mga magulang na mauna nang umuwi at mag tataxi nalang siya papuntang condo dahil may importante pa siyang lakad. Mabilis niyang pinuntahan ang babae at nang kaunting hakbang nalang ang pagitan nila ng magandang dilag subalit ng may sumulpot nalang na lalake at nag beso-bseo silang dalawa, sa nakita ni Albert ay hindi na niya pinag-patuloy ang intensyon na mag pakilala o kilalanin pa ang dalaga dahil mukhang may kinakasama na ito at mukhang masaya na ang dalawa.



Umuwi ng condo si Albert ng dala ang matinding lungkot sa sarili.



Kinabukasan monday habang nag lalakad sa kalsada papunta sa unibersidad na kanyang pinapasukan ay naisipan muna niya pumasok sa convenient store malapit sa unibersidad dahil maaga pa naman at nag kape muna siya doon sabay bukas ng laptop at inaayos ang mga dapat niyang ipasa sa editor ng student publisher para masali na ang ginawa niyang short story, tula, at mga likha ng sining, noon paman ay mahilig na siya sa mga likha ng sining akala pa nga ni Albert dati ay fine arts ang kukuhanin niyang kurso kaso lately na isip niya na hindi siya aasenso kung ayun ang kinuha niya dahil narin sa bagsak ang ekonomiya hindi mabibigyan pansin ang sining compare sa ibang propesyon kaya kumuha siya ng medisina na kurso.



8:53am na at malapit na mag umpisa ang klase niya nagkitakita ang mga magbabarkada sa hallway at sabay-sabay na pumasok sa classroom.



Kinahapunan pag katapos ng klase ay napag-usapan ng barkada na mag palipas ng oras sa rooftop ng condo ni Albert at doon nag pahangin, pag-kagat ng dilim sila ay pumunta sa kaininan sa baba ng condo at nag si uwian na ang iba maliban kay Ira na taga 6th floor lang ng condo at ang kay Albert naman ay sa 10th floor bago mag pumasok sa kanya-kanyang unit ay naisipan ni Albert na mag pahangin muna sa rooftop at ikuwento kay Ira ang nakitang magandang dilag last week,



Teka baka naman kilala mo na tlaga siya at hindi mo lang masyado na mumukhaan dahil baka may malaking pinag-bago na sa mukha niya, tingnan mo ito.



Ohh picture mo



Wala kabang napapansin compare ngayun at sa dati kong larawan?



Ahhh meron mas nag slim at mas nag dalaga ang mukha mo pati narin sa pananamit mo.



Kita mo na halos malaki ang pinag bago ko sa pisikal palang na anyo eh tila yata mas gumanda lalo ako! kahit maganda na ako dati hahaha.



Mahilig ka din pala mag biro pinapatawa mo ako hahaha..

Siguro nga nag kakilala na nga kami hindi ko lang maalala kung saan at paano.



Oh sige na Albert! mauuna na ako mag liligpit pa ako ng kwarto



Ira sandali sabay na tayo ubusin ko lang itong iniinom ko.



Pag katapos ibahagi ang kuwento ni Albert kay Ira ay pumasok na sila sa kani-kanilang kuwarto at ginawa ang kanilang mga gawain, madalas pare-pareho lang ang nangyayari sa bawat araw na mag kakasama sila kung minsan pag may okasyo at walang lugar ay sa unit nalang ni Albert ginaganap ang party kahit maliit at simple lang ang handaan masaya silang mag babarkada.



Wednesday noon at maluwag ang schedule ni Albert kaya naman naisipan ng barkada na tumambay sa glorieta4 sa may starbucks maraming tao doon lalo na pag dating ng hapon sari-sari na mga estudyante ang makikita mo suot ang kanilang mga uniform pero madalas makita ang estudyante ng assumption college at taga global kung minsan may mga taga ceu at makati med din na tumatambay doon at ang iba naman ay hindi mo ma-identify kung mga estudyante din kasi may ibang paaralan na walang uniform at naka civilian lang, sa lugar na iyon ay marami kang makikita na tanawin kita mo ang MRT, at ang mga gusali at mga kalsada.



Pagtapos nilang tumambay at mamili ay hinatid muna ni Albert si Kristina sa MRT dahil si Kristina lang ang walang kasabay pag-uwi, nang nag-lalakad na si Albert papunta sa glorieta at nakita na naman niya ang magandang dalaga na tila kilalal na niya dati pa at tinext nalang ni Albert ang mga kasama na wag na siya hintayin dahil kailangan muna niya mapag-isa sa kanyang lakad, nakatayo ang dalaga sa terminal ng jeep at nag daan ang mga maraming tao sa pedestrian lane at ng nag red light na wala na ang dalaga at nakita niya ito na nasakay sa jeep, pag ka green light mabilis siyang tumakbo at sumakay sa taxi at pinasundan ang dalaga sakay ng jeep, bumaba ang dalaga sa likod ng condo na tinutuluyan ni Albert at nagulat ito sabay napangit dahil doon din bumaba ang dalaga pero hindi niya ito nahabol dahil kakataas lang ng elevator.



Nasa kama siya nung gabing iyon at hindi parin tulog halos 3 oras na siya nakahiga pero hindi parin tulog naisipan niya na mag pahangin muna sa rooftop at uminom ng beer nag-babakasakaling dalawin siya ng antok, nakatingin siya sa mga bituwin at napansin niya na may ingay ng tsinelas sa kabilang sulok ng rooftop at nilapitan niya ito at pa-simpleng tingin nasulyapan niya ang ganda ng babae sa dilim at ayun nga ang babae na tila kilala niya, hindi na siya nag paligoy-ligoy agad niya itong tinabihan ng upo at kinausap.



Magandang gabi binibini anong ginagawa mo dito? gabi na.



Wala naman naisipan ko lang mag-pahangin eh ikaw



Ako! Hindi kasi ako makatulog naisipan kong uminom muna kahit isang bote lang baka sakaling antukin din.



Anong floor ka?



Sa 10th ikaw maari bang malaman?



So isang floor lang ang pagitan natin sa 11th lang kaya madalas ako dito! by the way I'm Nikka (sabay nakipag kamayan)



Ohhh I'm Albert! Alam mo Joy may kamukha ka



Ohhh talaga sino naman?



Yung kaibigan ko sa Cavite



Ahhh siguro kamukha ko lang pero malamang malabong mangyari na ako yun.



Teka Nikka! Sandali nasa wallet ko yung picture niya baka gusto mong makita?



Sige nga tingnan natin ahhh hindi ako iyan malayo maganda siya! ohh sige na matutulog na ako hah bye goodnight.



Wait lang Nikka ito cell number ko i-text mo sana ako.



Okay sige bye.



Sa totoo lang si Cynthia at si nikka ay isanang tao lang alam na niya na siya ang babae sa picture pero hindi niya inamin dahil narin sa mapait na nakaraan na gusto niyang takasan. Nag tataka talaga si Albert dahil kamukha talaga ng kanyang dating nobya si Nikka, umaasa si Albert na iti-text siya ni Nikka pero ilang araw narin ang nakalipas at walang text na dumating sa kanya. Sa gayon tuloy parin naman ang buhay niya bilang normal na estudyante kasama ang mga barkada niya sila ay nag sasaya sa tuwing mag kakasama.



Isang maaliwalas na hapon halos nanikip ang kanyang dib-dib sa nakita nang siya ay umakyat sa rooftop para mag pahangin tatlong hakbang pa bago makapunta sa pintuan ng rooftop ay nakita niya sa bukas na pinto si Nikka na may kayakap, yung lalaki na kasama ni Nikka sa greenbelt pag katapos niya dati mag simba, halos gumuho ang kanyang pag aakala na baka si Cynthia nga talaga si Nikka isang masaklap na hapon ang dumaan kay Albert, kinagabihan habang nag babasa ng novela ay tumunog ang cell phone niya may text siya galing kay Nikka na nag sasabi na pumunta sa room 1104 sa unit ni Nikka, nag reply si Albert.



Bakit Nikka may problema kba?



Wala basta pumunta ka nalang..



At dalian pumuta si Albert sa unit ni Nikka nagulat siya sa makita mga bote ng alak sa lapag tila hindi kuwarto ng isang babae, nadatnan niya si nika na nakahiga sa kama at nakabalot ng kumot at habang may hawak na bote ng beer malamig sa kuwarto naka aircon natahimik si albert sa nakita at sinabi ni Nikka.



Oh anong problema mo matahimik ka diyan at pinag-papawisan eh ang lamig na nga dito?



Ahhh hehehe wala lang kakaiba ka pala malakas ka pala uminom ng alak masama yan sa katawan lalo na sa babae na tulad mo, wag mong gawing habit yan!



Ano ba pinag sasabi mo halika dito sa tabi ko! oh ito uminom ka.



Sige pero isang bote lang hah



Ehhh basta kahit ilan bote



Masyado nang marami ang nainom ni Nikka kaya tinigil na ni Albert ang pakikipag inuman sa dalaga, gusto lang talaga ni Nikka na subukan ang pag-mamahal ni Albert sa ex girlfriend si Cynthia kaya niya iyon ginawa pero dahil sa masyadong devoted si Albert kay Cynthia ay hindi niya napag-isipan ng masama si nikka. Kahit may chance na siya gawin ang lahat sa dalaga. At bago umalis ng kwarto si Albert ay nilinis muna niya ang kwarto dahil masyadong magulo ito, iniwan niya si Nikka dahil makatulog na ito pero sa likod ng unan na nakatakip sa mukha ay may luha ng pumapatak.



Kinabukasan ay binisita ni Albert ang dalaga dahil malamang may hangover ito dinalhan niya ito ng mainit na sopas upang makalma ang dalaga, nasa kama at nakasandal si Nikka sa pader at nakatingin kay Albert na nag hahanda ng pag kain niya, tumabi si Albert kay Nikka at inabot ang sopas.



Dahan-dahan mainit pa sabi ni Albert.



Bakit ang bait mo sa akin dahil ba kamuka ko ang ex mo?



Hindi yun sa ganun! kaibigan lang ang tingin ko sayo mahal ko ang ex ko at gusto ko mag sorry sa kanya sa ginawa ko dati pinag sisihan ko na ang mga ginawa ko.



Hindi na kumibo si Nikka sa loob lang niya ay gusto na niya sabihin na siya nga si Cynthia pero hindi pa siya handa at hindi rin alam ang gagawin kung sakaling malaman na ni Albert ang totoo, dahil sa hindi pa handa ay niyakap nalang hiya si Albert ng mahigpit at namula si Nikka.



Bakit mo ako niyakap tanong ni Albert?



Wala lang! salamat lang sa lahat! isa kang mabuting kaibigan sagot ni nikka.



Sa likod ng mga braso ni Albert ay pumatak ang luha ni Nikka at lalo pang humigpit ang pag- kakayakap ng dalaga sa binata, at hinawakan ni Albert ang mukha ni Nikka at sinalo ang mga luha na bumabagsak mula sa mga mata ni Nikka, sa pag kakataong iyon mata sa mata ang kanilang tinginan lalong napalapit si Nikka sa binata at parang gusto na niya limutin ang pag-kakamaling nagawa ng binata dati.



11:25 ng gabi, sila ay nasa isang open bar sa QC at naka upo silang dalawa sa duyan kung saan tanaw ang bandang tumutugtog, habang nakaupo sa duyan ay naisipan muna ni Albert na bumili ng maiinom para sakanilang dalawa, hawak ang biniling inumin silang dalawa ay maraming napag usapan tungkol sa kanilang mga karanasan pero ang kinukwento ng dalaga ay may konting kasinungalingan dahil nga hindi parin siya handang mag tapat kay Albert, nag tanong si Nikka.



Anong dahilan bakit mo pa gustong balikan ang ex mo kung sakaling mag kita pa kayo ulit? tanong ng dalaga.



Kasi mahal na mahal ko talaga siya at pinag sisihan ko ang aking mga nagawa, alam mo ba marami ng dumaan sakin na mga kaibigan na babae tulad nalang ni Ira at Kristina ang mga classmate ko malapit sila sakin pero hindi ko sila kayang mahalin dahil si Cynthia parin ang mahal ko simila nung iwan niya ako ay wala pang pumapalit sa kanya dito sa puso ko.



Ahh kung ganun mahal mo talaga siya sana mag kita ulit kayong dalawa kahit anong mangyari para masabi mo sa kanya na pinagsisihan mo na ang lahat, ganyan talaga ang tao natututo kung kaylan huli na ang lahat.



Sana nga makita ko na siya! akala ko nga dati nung una kitang nakita sa greenbelt ay ikaw na siya kasi nga mag kamukha kayo, pero malayong manyari yan dahil may boyfriend kana sinabi ni Albert sa isip niya.



Ohhh inabot na tayo ng umaga dito mag tu-2 na tara na uwi na tayo sa condo at baka mahirapan pa tayong makasakay ng taxi sabi ni Nikka.



Ilang minuto lang ay nakauwi na sila dahil narin walang traffic sa kalsada, hinatid ni Albert sa kwarto si Nikka at nag paalam na.



October 20 malapit na mag tapos ang first semester ilang buwan narin ang mga nakalipas ng nag kakilala silang dalawa, pero hindi parin sinasabi ni Nikka na siya si Cynthia. Dahil malapit na mag tapos ang isang sem ay madalas silang kumakain sa isang covenient store tuwing hapon, pero nung hapon na iyon ay hindi nakapunta si Nikka, matagal din nag hintay si Albert ti-nitext na niya pero walang nag re-reply sa kanya, Kinagabiha ay nag punta siya sa rooftop nag ba-bakasakaling nandun si Nikka pero wala siyang nadatnan na dalaga sa taas, sa halip nandoon ang ksama ni nikka na lalake si Francis, namukaan ni Albert ang binata ang lalaking iyon ay ang kasama ni Nikka dati sa noong may mass sa greenbelt at nakita narin niya ang lalake na iyon na kayakap si Nikka sa rooftop din. Hindi na nag atubiling mag tanong si Albert sa binata



Excuse me lang di ba ikaw ang kasama ni Nikka dati sa greenbelt noon pag katapos ng mass?



Napaisip ng mabuti si Francis bago siya sumagot kay Albert dahil alam niya na nag papanggap si Cynthia bilang si Nikka.



Ahhh oo ako nga ano ang maipag-lilingkod ko sa iyo pogi



Gusto ko lang itanong kung nakita mo si Nikka, di ba ikaw ang nobyo niya bakasakaling alam mo kung saan siya nag punta?



Gaga! Hindi ako ang nobyo niya noh isa ako sa matalik niyang kaibigan nung naging classmate ko siya this college.



(Ano..bakla pala itong tao na ito) sinabi ni Albert sa isip niya, teka maiba tayo baka nakita mo nga siya?



Pogi hindi ko siya nakita eh pasensya nah hah pero may alam ako na hindi mo alam tungkol kay Nikka.



Ano naman iyon?



Mag uumpisa na sana mag kuwento si Francis pero nag ring ang cell phone ng bakla



Hello speaking



This is Dr.Calara Im here with your friend Cynthia Lopez at nasa masamang sitwasyon siya ngayon.



Ano dok? si Cynthia! ano po ang ng yari sa kanya?



It's sad to say pero nabangga ang taxi na sinasakyan niya sabi sakin nung nag hatid sa kanya dito.



Okay doc papunta na kami diyan saan po ba na hospital iyan?



Dito sa ospital ng makati.



Sige po doc thanks..



Malinaw na ang lahat kay Albert na si Cynthia nga si Nikka habang kausap ni Francis ang doctor ay kinakabahan na si Albert na banggitin ang ngalan na Cynthia at ng marinig niya mula sa boses ni Francis ay pumatak nalang ang luha sa mga mata niya.



Hindi totoo ang marinig ko di ba hindi si Cynthia ang na hospital mag salita ka! pasigaw na sinabi ni Albert.



Humahagulgol naman sa iyak ang bakla at hindi maka sagot sa sinabi ng binata.

Tara na kung saang hospital yan bilisan natin. Ang sabi ni Albert.



Habang nasa taxi ay hindi mapakali si Albert kung ano-ano ang mga bagay na pumapasaok sa kanyang kokote. Hanggang nakarating siya sa hospital kung saan naka confine si Cynthia, daliang pumunta ang dalawa sa front office at tinanong kung saan room si Cynthia at ng makita na ni Albert ang pangalan ni Cynthia sa labas ng pinto ay kabadong-kabado siya na pumasok dahil hindi niya maisip ang kalagayan ng dalaga. Umiiyak siya ng tinawag siya ng doktor upang pumasok na at makausap siya ng doctor.



Albert tama! sabi ng doktor.



Opo dok ako nga kamusta na ang kalagayan ni Cynthia?



Siya ay nasa masamang kalagayan ngayon pero gagawin lahat namin upang mabuhay siya,

Alam mo ba na bago siya mawalan ng malay ay pangalan mo ang binubulong niya at nag sabi siya ng patawad! ang kailangan mo lang gawin ngayon ay manalig sa panginoon na sana ay makisama ang katawan niya sa gagawin naming operasyon mamaya.



Gawin nyo lahat para lang mabuhay siya parang awa nyo doktor!



Sige para sayo, pero sinasabi ko sayo 50-50 ang pag-asa niya.



Hindi na nag salita si Albert sa halip ay yumuko ito at ipinatong ang siko sa kanyang tuhod at parang sinasabunutan niya ang sarili at umiiyak. Ilang oras ang nakalipas ay ooperahan na siya ng mga doktor at nag remind ang doktor na mag dasal narin para sa gagwing operasyon, matinding dasal ang hinihingi niya sa Diyos habang nakatapat sa krus sa taas ng higaan ni Cynthia. Halos tumagal rin sa OR ang mga doktor at sa pag hihintay naman ni Albert ay nakatulog siya.



Ginawa ng mga doktor ang lahat pero 50-50 parin ang pag-asa ni Cynthia, matindi ang naging kalagayan niya madami siyang natamong sugat at nakuha sa katawan niya ang mga malalaking tipak ng bubog, tinamaan dinang mga internal organs niya kaya kritikal talaga ang kalagayan ng dalaga, pero nalinis na ang mga sugat at natanggal na din ang mga bubog sa katawan niya pero may konting pag dudugo parin.



Ibinalik na ang dalaga sa kuwarto kung saan nag hihintay si Albert, nagising ang binata sa pag dating ng mga nurse at doktor dala nga si Cynthia, at kinausap niya ang doktor.



Kamusta dok ano na! nailigtas nyo ba ang buhay niya?



Yumuko ang doktor at malungkot na sinabi.



Medyo tagilid ang sitwasyon pero siguradong na ka pag pahinga na ang katawan niya ay mag kakaroon siya ng malay.



Kinaumagahan habang naka bantay sa dalaga hawak ang kamay, ay may pumasok sa kuwarto ang mama ni Cynthia na may dalang mga prutas at iba pagkain, mapangiti na may kasamang luha ang mama ni Cynthia ng makita ang binata na binabantayan ang anak niya, hinaplos ng ina ang kanyang anak at nagising ito at ngumiti si Cynthia ng makita ang kanyang mama at napatingin siya sa kamay niya na hawak ni Albert habang tulog parin ito. Hindi masyado nakapag usap ang mag ina dahil kailangan nag pahinga ni cynthia.



11:46am nagising si Albert ng hinaplos ng dalaga ang kamay nito, natuwa si Albert dahil makakapag sory na siya kay Cynthia sa ginawa niya dati sa dalaga.



Alam ko madami kang gustong itanong kung bakit ako nag panggap. Sabi ni Cynthia



Hindi na! malinaw na sa akin ang lahat mahal parin kita gusto kong humingi ng tawad sayo! sagot ni Albert.



Panatawad nakita nakita ko ang pag-sisisi mo noong gamit ko ang katauhan ni Nikka at napatunayan kong mahal mo nga ako at hindi ka nag dalawang isip na hanapin ako at sundan alam kong nag babakasakali ka na ako nga si Nikka kaya mo iyon nagawa para kay Cynthia, "sa akin"



At tumagal din sila sa hospital ng tatlong araw,10:34pm nakahawak si Albert sa kamay ni Cynthia tuwing matutulog,, at natagpuaan ni Albert ang kanyang sarili sa isang madilim na sulok at may nakita siyang dalaga na naka suot ng puting damit at palda ang dalaga ay naka yapak lamang sa paanan ay may nakita siyang anklet na suot ng dalaga parang pamilyar sa kanya ang anklet na iyon hindi lang niya matandaan kung sino ang may suot noon, medyo malabo ang mukha ng dalaga dahil sa tindi ng sinag ng liwanag na nang gagaling sa kabilang kuwarto, sumigaw ng malakas si Albert tinatawag niya ang babae pero walang sumasagot sa kanya, pumasok ang dalaga sa pinto at ng mag sasara na ang pinto at mag didilim na ulit sa kinalalagyan ni Albert ay may narinig siyang katagang "MAHAL KITA".



5:00am nagising si Albert dahil maliban sa aircon ay may malamig pa siyang nahahawakan pag mulat ng mata ay nakita niya ang kamay ni Cynthia maputla na at malamig. sabay tingin sa heartbeat rate at ang kanyang nakita, _/\\________________ sabay niyakap ang labi ni Cynthia wala ng luha na pumatak sa kanyang mga mata gustuhin din niyang umiyak pero wala ng luha na pumapatak.





WAKAS




 
Leave a Comment

chii ni chii

banding bading ka talaga

chii ni chii

banding bading ka talaga

 
Page 1 of 1
 

Location:  Makati,Philippines, Other

Members:  

 

hadadine

No release date
 
 

scR3amo

cAVITE hARDCORE

Dizzy_Girl

Davao City, Philippines

view all 5 fans